BATTLE OF THE CEOs - Glenda Victorio vs Rosmarie Tan


 BATTLE OF THE CEOs

Naghahanda na rin ng kontra-demanda ang legal team ni Rosmarie Tan Pamulaklakin o Rosmar Tan makaraan siyang sampahan ng mga reklamong cyberliber at unjust vexation ni Glenda Victorio, owner ng beauty line na Brilliant Skin.



Ani Tan, owner ng Rosmar Skin Essentials, handa siyang magkipag-ubusan ng pera kay Victorio sa kanilang legal battle.


Sa mahigit 60-pahinang complaint affidavit na inihain sa Quezon City Prosecutor's Office, sinabi ni Victorio na naapektuhan na ang kanyang kalusugan at pamilya sa paninira sa kanya on-line ni Tan.


Paliwanag ni Victorio, wala siyang alam na dahilan para siraan siya ni Tan dahil hindi naman sila nito magkakilala nang personal.



"Natatawa ako sa mga taong nagsasabi na matakot daw ako sa kaso🤣 linyahan ng mga walang pang bayaaad ng abogado🤣😜 talk to my lawyersssssssssssss1000x," ayon sa Facebook post ni Rosmar Tan.


Ito marahil ang tugon ng businesswoman at social media influencer na si Rosmar Tan sa kabila ng maingay na isyu tungkol sa pagsasampa umano ng patung-patong na kaso ng kapwa negosyante na si Glenda Victorio nitong Lunes laban sa kaniya.

Post a Comment

0 Comments