DAHIL NAKIPAG HIWALAY, BINARIL PARA DI NA MAPUNTA SA IBA?
Viral ngayon ang kwento sa paghahanap ng hustisya ng pamilya ni Jayson matapos siyang barilin at tuluyang masawi ng kaniyang Ex sa sariling tindihan.
Nangyari ang insidente nitong March 05 ng 11AM sa Enriquez Street, Barangay 4, Lucena City na kinilalang si Jayson Zoleta, ang suspek ay ang ex boyfriend nito na kinilalang si Fattah Esmai Faisal na pinaghahahanap ngayon ng otoridad matapos tumakas matapos ang nasabing insidente.
Video
ANG KWENTO:
Mahigit isang taon umanong magkarelasyon ang dalawa kung saan nitong January ay nakipaghiwalay si Jayson kay Fattah na hindi umano matanggap ng huli dahilan upang gumawa sya ng way upang magkita umano sila sa huling pagkakataon. Inanyayahan ni Fattah si Jayson na pumunta sa kanilang tindahan upang magbalik umano ng damit, habang inuusisa ni Jayson ang damit ay lumapit sa kaniya si Fattah na may hawak na palang baril saka itinutok sa likod ng ulo at binaril si Jayson. Mabilis na tumakas si Fattah sa nasabing lugar at magpasa-hanggang ngayon ay nagtatago pa.



0 Comments